Home arrow Forum
Home
Register Your Profile
Filipinos in Kuwait
Search Users
Filipino Associations
Register your Association
Visit Philippines
About Kuwait
Facts at a Glance
Visa Regulations
Business Directory
Living in Kuwait
Philippine Embassy
The Ambassador
Contact Information
Consular Services
Tool Kit
Residency Information
Check Traffic Violations
Currency Converter
Kuwait Airport Time
World Time
Dictionary
Games
Wednesday, 08 February 2012
Filipinos in Kuwait Forum  


::post new topic::
j3k2
Moderator
  Click here to see the profile of this user
Re:Padala ni Bebeng - 2008/05/13 00:12
this belongs to humour thread pinklolly-pop!
The administrator has disabled public write access.

pinklolly
Fresh Boarder
  Click here to see the profile of this user
Padala ni Bebeng - 2008/05/12 18:36
Bebeng, bless her soul, is a nurse in Los Angeles . She lived there with her dear Nanay, whom she had brought to the States for emergency treatment but whose life the American doctors failed to save.
Taking back the corpse to the Philippines was a problem, financially and otherwise. To save on air fare, Bebeng decided to ship home alone her mother’s body.

When family members claimed the unaccompanied baggage, they noticed how austere -- and pitiful -- the coffin looked.

Back in the house, one of the youngsters, seeing the old woman’s face pressed against the small glass window, exclaimed, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng Inay.”

Something certainly had to be done about poor Inay. Opening the coffin, they noticed an envelope stapled on the front of her dress. Inside was a hand-written letter from Bebeng:

Mahal kong Tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni Nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni Nanay ang 24 na karne norte at isang dosenang Spam. Ang Adidas na suot ni Nanay ay para kay Tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni Nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puw%tan ni Nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni Nanay ay para sa bunso ni Ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni Inay, Japanese version ng pokemon trading cards at stickers. Suot ni Nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni Nanay. Para sa inyo, Itay, Kuya, Dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni Nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni Nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, Tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo Tatay, suot-suot ni Nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isiniksik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot suot din ni Nanay. Kunin mo na rin agad, Ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay b~kla sa kanto.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako tatlong diyamante bawat butas. Ibangon niyo lang si Inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Isang Ray Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay Nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan niya. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Adidas at Champion na medyas, suot suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga Scotch Brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels... ‘yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo.

Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang Vienna sausage, Barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, match box toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako at graveyard shift ako ngayon.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si Nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, Tatay, Kuya, Ate, Dikong, Ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni Ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay! Sa takip pala ng kabaong sa may paanan, tis-tisin niyo ang tahi ng pulang sinulid at may isinisik akong mga nail polish at nipper para kay Mareng Ana sa ibayo. May mga tuwalyang puti.
Iyong markang Days Inn para kay Kuya, Holiday Inn kay Ditse, Econolodge kay Ate, La Quinta kay Dikong, yung Mandalay Bay para kay Itay. Mag-iipon na lang uli ako pag punta namin sa Las Vegas .
The administrator has disabled public write access.

::post new topic::

[ Home | About Us | Contact Us | Advertise | Feedback | Archive | Site Map ]

Copyright © 2005 Filipinosinkuwait.com