joke collection - 2008/08/23 08:33
MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.
MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka
makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!
-0-
JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galing?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.
-0-
Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan
ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!
-0-
Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.
-0-
Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.
-0-
Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis
eh.
-0-
Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US. Ito, nagpadala ng
picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na
ito, natumba na ako sa sobrang gutom.